Bebot lumutang sa Manila Bay

MANILA, Philippines – Isang hindi nakilalang babae na hinihinalang drug addict­ ang natagpuang patay habang nakalutang sa Manila Bay sakop ng Pier 16, North Harbor, Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Inilarawan ang biktima na nasa edad na 40 hanggang 45, maitim, nakasuot ng kulay itim na t-shirt at kulay gray na short, katamtaman ang pangangatawan, may mga tattoo na  “Yumol”, “Joan”  sa kanang  braso at “Tanine April” na­man sa kaliwang braso. May naghilum na ring hiwa sa magkabilang braso.

Naniniwala ang pulisya na posibleng ang mga hiwa ng biktima ay dulot ng posibleng pagiging adik at maaring nag-trip ito habang high sa droga at maligo sa dagat subalit nalunod.

Show comments