^

Metro

9 pamilya inilikas sa sumingaw na kemikal

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines – Inilikas ang siyam na pamilya matapos maka­ram­­dam nang paninikip ng dibdib dahil sa pagtagas ng ammonia sa pipeline ng imbakan ng agricultural product sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.       

Base sa report, nabatid na dakong alas-7:23 ng gabi, tumagas ang ammonia mula sa pipeline ng Viking 777 International Agriculture, na matatagpuan sa kaha­baan ng M. Gre­gorio st., Ba­rangay Canu­may West, na pag-aari ng isang Vicente Ong.        

Agad naman nirespon­dehan ng mga bumbero ang nasabing lugar upang linisin ang tumagas na ammonia.        

Siyam na pamilya ang inilikas kung saan ilan sa mga ito ang nakaramdam ng paninikip ng dibdib at agad na nilapatan ng lunas.       

Inaalam na ang dahilan ng pagtagas kung saan nagsasagawa na rin ng imbestigasyon kung bakit maraming ammonia ang nakaimbak sa bodega ng nasabing kumpanya.

vuukle comment

AMMONIA

CANU

INAALAM

INILIKAS

INTERNATIONAL AGRICULTURE

SHY

SIYAM

VALENZUELA CITY

VICENTE ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with