^

Metro

High school student todas sa schoolmate

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines – Nagwakas ang panga­rap ng mga magulang ng isang 4th year high school student na makatapos ito ng pag-aaral matapos na saksakin sa dibdib at ma­patay ng kapwa nito estud­yante sa loob ng kanilang paaralan sa lungsod ng Quezon kaha­pon ng umaga.

Namatay habang gina­ga­mot sa ospital ang bikti­mang si Simon Salud, ng Commonwealth High School at residente sa   Schilling St., Brgy. North Fair­view sa lungsod.

Agad namang sumuko ang suspect na Mike Rol­dan Roquitez, 19.

 Sa pagsisiyasat ni SPO2 Neil Garnace ng CIDU-QCPD, nangyari ang insi­dente sa   loob ng compound ng Commonwealth High School sa pagitan ng Ma­thay at Simon Bldg. ganap na alas-6:50 ng umaga.

Ayon kay Garnace, may matagal nang alitan sa pagitan ng biktima at suspect na pinalalagay na dahil sa kanilang mga gang, ngunit sinisiyasat pa nila ang ukol dito.

Diumano, bago naga­nap ang pananaksak, du­malo muna sa kanyang unang subject ang biktima at nang matapos ito ay saka luma­bas ng kanilang klase ka­sama ang kaklase na si Jose More para pu­munta sa section 35.

Habang naglalakad ay nasalubong ng biktima ang suspect. At dahil may dati nang alitan ay biglang nag­suntukan ang dalawa.

Nasa kainitan ng suntu­kan ang dalawa nang may madampot na screw driver ang suspect at itinarak sa dibdib ng biktima dahilan upang bumuwal agad ito sa sahig.

Mabilis na tumakas ang suspect makaraan ang pananaksak, habang ang biktima na agad na isinu­god sa ospital subalit hindi na rin naisalba pa ang buhay nito.

Sa kasalukuyan patuloy naman ang pagsi­siyasat ng awtoridad sa nasabing insi­dente para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspect.

COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

JOSE MORE

MIKE ROL

NEIL GARNACE

NORTH FAIR

SCHILLING ST.

SHY

SIMON BLDG

SIMON SALUD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with