^

Metro

2 miyembro ng BCJ, sinalvage

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki na kapwa miyembro ng Batang City Jail (BCJ) na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan ng mga tauhan ng Leonel Waste Managament sa ilalim ng Quezon bridge sa Quiapo, Maynila,  kahapon ng madaling-araw.

Kapwa may bakas ng pagkabigti ang mga leeg ng mga biktimang sina Jimmy Reyes, 31, batay sa na­kuhang driver’s license sa kanyang katawan,  miyembro ng Batang City Jail (BCJ), nakasuot ng itim na cargo short pants  at walang damit pang-itaas, tadtad ng tattoo sa katawan at residente ng Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila habang ang isa pang bangkay ay kinilala sa alyas na “Ivan”, tinatayang 30-40 anyos, miyembro ng BCJ, may highlights ang buhok at naka­suot ng gray na camouflage cargo shorts.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng madaling- araw nang matuklasan ang magkatabing bangkay sa ilalim ng nasabing tulay malapit sa Handicraft Shops, Quiapo, Maynila.

Naglilinis ang isang Noel de Castro ng Leonel Waste nang mapansin ang dalawang lalaki sa kalye na magka­tabing nakabulagta.  

Ang mga labi ng biktima ay kasalukuyang naka­lagak sa St. Yvan Funeral Homes.

BATANG CITY JAIL

CRUZ

DALAWANG

HANDICRAFT SHOPS

JIMMY REYES

LEONEL WASTE

LEONEL WASTE MANAGAMENT

MAYNILA

OROQUIETA ST.

ST. YVAN FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with