^

Metro

Salvage victim itinapon sa estero

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang lalaki na miyembro ng Commando Gang at pinanini­walaang biktima ng summary execution ang natagpuang lumulutang kahapon ng umaga sa Estero de Vitas, Tondo, Maynila.

Nakagapos ang mga kamay sa likod habang may apat na saksak ng ice ang bangkay na inilarawan na nasa edad na 18 hanggang 20, may taas na 5’1, payat at maputi at may apat na tattoo sa kanang kamay.

Sa ulat ni SPO3 Paul Dennis­ Javier ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 8:20 ng umaga, kaha­pon nang mamataan ng tanod na si Joseph Chan ang lumu­lutang na bangkay sa ilalim ng Infanta Bridge o Estero de Vitas, na sakop ng Barangay 133, Zone 11, Balut, Tondo.

Isang kulay dilaw na nylon cord ang nakitang nakatali sa mga kamay ng biktima bukod pa sa mga saksak na tumagos sa puso. Naniniwala si Javier na sa ibang lugar pinatay ang biktima bago itinapon sa estero.

Inilagak na ang bangkay sa Cruz Funeral Homes habang nagsasagawa pa ng follow-up operation ang homicide investigators para makuha ang pagkilanlan ng biktima.

vuukle comment

COMMANDO GANG

CRUZ FUNERAL HOMES

ESTERO

INFANTA BRIDGE

ISANG

JAVIER

JOSEPH CHAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PAUL DENNIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with