^

Metro

Mas mataas na multa sa kolorum - LTFRB

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isusulong ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mas mataas na parusa para sa mga mahuhuling “colorum” na sasakyan sa Metro Manila.

Sa pulong Balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, sinabi ni Manny Mahipus, executive director ng LTFRB, ipinanukala na nila ang pagkansela ng prankisa at suspension at mas mataas sa P6,000 penalty sa mga operator na may prangkisa ngunit nagpapabiyahe pa rin ng mga colorum na sasakyan.

Ayon kay Mahipus, nagsagawa na sila ng public consultation noong Hulyo 9 kung saan titiyakin umano nilang aaprubahan ang parusa na hindi na kakayanin ng mga operator na nagpapa­biyahe ng mga kolorum.

Aniya, itinuturing kasing economic sabotage, ang pagbiyahe ng mga kolorum na sasakyan, dahil inaagawan nito ng kita ang mga lehitimo at nagbabayad ng buwis.

Nagsasagawa na rin ng bus inventory ngayon ang LTFRB, para matiyak kung gaano kalaki ang bilang ng mga bus na puma­pasok sa Edsa at ang mga kolorum na bumibiyahe.

Nabatid din na tuloy na ang planong pagbabawas ng bus sa Edsa kung saan ang bilang ng mga bus na aalisin ay ilalagay sa mga radial road o di kaya ay sa probinsiya ipapabiyahe.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Mahipus na may 7,000 bus ang bumibiyahe sa Metro Manila, habang 3,800 ang bumibiyahe sa Edsa at 2,700 naman ang biyaheng probinsiya na pumapasok sa Edsa.

Inaasahan umanong matatapos ang bus inventory sa loob ng tatlong buwan at hindi na muna magbubukas ng anumang prankisa para sa taxi, bus at public utility jeepneys (PUJs) ang LTFRB.

ANIYA

AYON

BALITAAN

BUS

EDSA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MAHIPUS

MANNY MAHIPUS

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with