Biyuda dedo sa boga

MANILA, Philippines -  Patay ang isang negosyanteng biyuda makaraang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang lalaki sa isang computer shop sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Fatima Medical Center si Erlinda Añover, 51, biyuda, ng P. Faustino st., Brgy. Punturin ng lungsod.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulisya laban sa hindi pa nakikilalang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi sa loob ng pag-aaring computer shop ng biktima sa nabanggit na lugar.

Nagco-computer ang biktima nang pasukin ng suspek habang ang isang kasama ay nagsilbing look-out.

Agad na pinagbabaril ng gunman ang biktima bago tumakas habang dinala naman ang biyuda sa naturang pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo ng nasabing insidente.

Show comments