5-anyos patay sa open manhole
MANILA, Philippines - Isang 5-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos itong mahulog sa isang nakabukas na manhole habang naglalakad kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Patay na nang idating sa Manila Central University Hospital si Cyrus Lincallo, ng G. de Jesus st., Bagong Barrio ng lungsod na ito.
Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa kahabaan ng G. de Jesus St., ng nabanggit na siyudad. Nabatid na naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar kasama ang kanyang ate na hindi namalayan, nahulog ang biktima sa isang nakabukas na manhole.
Nang maglaho ang biktima ay humingi ng tulong ang ate nito subalit tumagal halos ng dalawang oras bago nakuha ang katawan ng biktima. Dinala ito sa pagmutan subalit hindi na umabot pang buhay.
Lumalabas na kinulimbat ng mga kawatan ang takip ng manhole sa nasabing lugar, inaalam pa kung sino ang magiging responsable hinggil sa nakabukas na manhole na posibleng managot dito.
- Latest
- Trending