^

Metro

2 'tulak' todas sa shootout

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Napatay ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos maki­pagbarilan sa mga operatiba ng Manila Police District-Station 2, na nagsilbi ng search warrant sa kanilang lungga sa Quiricada st., Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Dead-on-the-spot sina Rainier Anire alyas “Long-long”, 24-anyos at isang nakilala lamang sa alyas na “Nonong”, nasa 30-35 ang edad, kapwa residente ng nabanggit na lugar at sina­sabing kaanak ni Anire.

Sa ulat nina SPO4 Virgilio Martinez at PO3 Jonathan Bautista, dakong 2:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa mismong taha­nan ng mga nasawi.

Sa pahayag ni MPD-Station 2 chief, P/Supt. Er­nesto Tendero, 2:45 ng hapon nang isilbi nila ang search warrants sa tatlong palapag na bahay ng mga biktima, kung saan subject umano ng operasyon ang bahay ni Anire, na una nang nakuhanan ng surveillance camera dahil sa pagbebenta umano ng iligal na droga partikular ang shabu.

Habang papaakyat ng hagdan sina Tendero at C/Insp. Arnulfo Ibanez, natunu­gan nila ang papatakas na mga suspect dahil sa kalabog ng bubong kaya’t agad namang inilatag ang dala­wang ladder na mahaba sa magkabilang gilid ng na­sabing bahay.

Papaakyat sa ladder ang iba pang operatiba nang mag­paputok ang dalawang bik­tima ng kanilang tig-isang ka­libre .38 baril na paltik, kaya’t pinutukan sila ng mga pulis.

Bumulagta sa rooftop si Nonong, na labas pa ang bituka dahil sa tama sa tagiliran habang humandusay naman sa bubong na yero ng katabing bahay ang pakay na ‘tulak’ umano na si Long-long.

Sinabi ni Tendero, nagdala din sila ng acetylene upang mabuksan lamang ang maka­kapal na gate na yari sa bakal sa bahay ng mga suspek.

Narekober ng Homicide investigators ang 2 paltik na baril, 2 digital weighing scale, mga lighter, 20 small sachet ng shabu, na di pa batid ang timbang at live ammunitions.

ANIRE

ARNULFO IBANEZ

JONATHAN BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

NONONG

RAINIER ANIRE

SHY

TENDERO

VIRGILIO MARTINEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with