^

Metro

Bebot na kidnaper, timbog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Natimbog ng pulisya ang isang babae na kabilang sa mga dumukot sa isang 10-anyos na batang babae na nailigtas naman ng pulisya sa isang operasyon, kamaka­lawa sa Muntinlupa City.             

Nakaditine ngayon sa Muntinlupa police station ang suspek na nakilalang si Ro­salie Nuevo, 36, ng Brgy. Inonican, Silang, Cavite ha­bang nasa piling na ni Neptaly Rubio, 40, ang kanyang anak na babae na itinago ang pangalan.

Sa ulat ng Muntinlupa po­lice, dinukot ng grupo ni Nue­vo ang bata noong Pebrero 2 sa Silang, Cavite. 

Kinontak naman agad ng hindi nagpakilalang lalaki si Rubio at nanghihingi ng P50,000 cash kapalit ng pag­papalaya nila sa bata.

Nakipagtransaksyon na­man si Rubio sa mga salarin ngunit humingi na rin ng tulong sa pulisya na nag-set-up ng entrapment operation. Nadakip si Nuevo makaraang tanggapin ang marked money buhat kay Rubio sa loob ng Starmall-Alabang dakong alas-8 kahapon ng umaga ngunit hindi nito kasama ang dinukot na bata.              

Sa interogasyon, inamin ni Nuevo na kabilang siya sa grupo na dumukot sa biktima na pinamumunuan ng isang alyas “Sonny” at tinuro ang kanilang safehouse sa San Jose del Monte, Bulacan.             

Agad na bumuo ng “res­cue team” si Muntinlupa police chief, Sr. Supt. Romulo Sapi­tula na sumugod sa naturang safehouse sa pa­ ki­kipagtulu­ngan ng Police Anti-Crime Emergency Res­ponse (PACER).

Dakong alas-2 ng hapon nang salakayin ng pulisya ang safehouse na pag-aari ni Sofronio Iquin sa Block 11 Lot 30 Leopard street, Northwinds Homes, Palmera 48, Brgy. Kaypian, San Jose del Monte, Bulacan kung saan natag­puan ang inabando­nang paslit habang tumakas na ang mga lalaking dumukot dito. 

BRGY

BULACAN

CAVITE

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY

NUEVO

RUBIO

SAN JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with