^

Metro

9 miyembro ng carnapping group, timbog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nalansag na ng mga operatiba ng Anti-Carnap­ping Group ng Quezon City Police ang kilabot na grupo ng carnap/carjacking syndi­cate na nag-ooperate sa Metro Manila matapos na ma­sakote ang siyam na miyembro nito sa magka­kahiwalay na operasyon sa lungsod at Caloocan City, iniulat kahapon.

Kinilala ni QCPD director Chief Supt. Benjardi Man­tele, ang mga suspect na sina Ricardo Ocampo at live-in partner nitong si Rowena Silverio, Jhon Oliver Dar­lucio, Jeffrey Ramirez, Angelito Bernar­dino; Cesar Catulig, Ruel Manquilas, Rodolfo Cruz, at Allan Taghoy; mga miyem­bro ng carnapping/carjack­ing group na pina­mumu­nuan ng isang Glen dela Cruz.

Ayon sa ulat, ang wa­lang humpay na operation ay ginawa ng tropa ng Anti-carnapping unit ng QCPD sa pamumuno ni Chief Insp. Rodel Manalo ma­tapos na makatanggap ng impormas­yon ang tropa na may ibini­bentang mga iligal na chassis ng sasak­yan sa isang junkshop sa lungsod.

Agad na nagsagawa ng pagmamanman ng tropa sa palibot ng Quezon City kung saan naispatan ng mga ito ang isang truck na sakay ang ilang piraso ng chassis na nakatakdang ibenta sa isang junkshop.

Mula dito ay sinundan ng tropa ang truck hang­gang sa matuklasan ang isang com­pound sa may Block 1, lot 11, Sikatuna Subdivision, Doña Faus­tina, Brgy. San Bar­tolome sa lungsod na katayan ng mga ninakaw na sasakyan.

Dito ay naaresto ang mga suspect na sina Ocampo, Silverio, Darlucio, Ramirez, at Bernardino habang kina­karne ang isang truck. Na­kumpiska din kay Ocampo ang isang U.S Carbine rifle na puno ng bala.

Sa interogasyon sa mga suspect ay nabatid ng mga operatiba na may isa pang compound sa may Ca­lo­ocan City ang nag-ooperate din ng chop-chop na mga sa­sakyan dahilan upang mu­­ling magsagawa ng ope­ra­tion ang mga ito at sina­ lakay ang Block 1, Lot 24, Daranay Avenue, Brgy. Bagumbong kung saan nadakip sina Catulig, Ma­n­quilas, Cruz, at Taghoy, na nagtangka pang maki­pag­palitan ng putok sa mga awtoridad. Habang naka­takas naman ang lider nilang si Erick Francisco.

Narekober ng mga aw­toridad sa magkahiwa­lay na operasyon ang iba’t ibang uri ng mga kinatay na sa­sakyan at mga plate numbers nito.

vuukle comment

ALLAN TAGHOY

ANGELITO BERNAR

BENJARDI MAN

BRGY

CALOOCAN CITY

CESAR CATULIG

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with