^

Metro

Guro dedo sa motorsiklo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang guro ang iniulat na nasawi makaraang mabundol ng isang motorsiklo habang tumatawid sa pedestrian lane sa lungsod Quezon.

Sa ulat na ipinarating ng Traffic Sector 1 sa Quezon City District Traffic Enforcement Unit ng Quezon City Police sa Camp Karingal nakilala ang biktima na si Placida del Rosario, 27, dalaga, guro, ng Bago Bantay, sa lungsod.

Ginamot din sa naturang ospital ang driver ng nakabanggang motorsiklo na si John Paul Silvestre, 17, ng Tagaytay, San Jose, Caloocan City makaraang tumilapon sa sinasakyang motorsiklo (5390-NC).

Ayon sa ulat ni SPO2 Feliciano Cuaresma ng Traffic Sector 1, nangyari ang insidente sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue corner Labo St., Brgy. Paang Bundok sa lungsod dakong alas 4:50 ng hapon. Sinasabing binabagtas ng suspek ang naturang kalsada nang biglang mahagip nito ang tumatawid na biktima sa pedestrian lane sa nasabing lugar.

Sa lakas ng pagkakabundol, kapwa tumilapon ang biktima at suspek na nakakawala sa kanyang motorsiklo dahilan upang kapwa humandusay ang mga ito sa kalsada.

Tiyempo namang napadaan sa lugar si Romeo Magalong lulan ng Guiguinto Ambulance at agad isinakay ang biktima at inihatid sa nasabing pagamutan subalit idineklara din itong patay alas- 5:42 ng hapon.

Habang ang suspect naman ay isinugod rin ng isang napadaang sibilyan sa nasabing hospital upang lapatan ng lunas.

Kakaharapin ng suspek ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Physical Injuries.

BAGO BANTAY

BONIFACIO AVENUE

CALOOCAN CITY

CAMP KARINGAL

FELICIANO CUARESMA

GUIGUINTO AMBULANCE

HOMICIDE AND PHYSICAL INJURIES

JOHN PAUL SILVESTRE

LABO ST.

TRAFFIC SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with