^

Metro

Killer ng medicine coed todas

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Patay ang ex-convict at pangunahing suspect sa panghoholdap at pagpatay sa medical student ng Paman­tasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) habang nadakip na­man ang dalawa pa kabilang ang isang high school student sa isinagawang operasyon ng pi­nagsama-samang pu­wer­sa ng Manila Police Dis­trict (MPD) kamakalawa ng hapon.

Sa press conference na ginanap kahapon, sinabi ni Manila Mayor Alfredo Lim na napatay ni PO1 Rommel Fajardo ng MPD-Station 1 ang suspect na si Kenneth Capili, 21, na nang-agaw ng baril habang patungo sa Ospital ng Maynila upang ipa-check-up. Nagtamo ito ng tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Lim ang dalawa pang suspect na sina Justin Bautista, 21, HRM student sa Lyceum of the Philippines at naninirahan sa Tondo, May­nila at Jojo, 16, 4th year high school student   na residente rin sa Tondo, Maynila ay na­aresto naman sa follow-up operation ng District Special Project Unit (DSPU) sa pa­ngunguna ni Chief Insp. Nicolas Pinon at Alvarez PCP chief, Sr. Insp. John Guiagi.

Narekober mula sa mga suspect ang cellphone at personal na gamit ng bikti­mang si Roxanne Musngi na tinangay ng mga suspect noong Hulyo 24, dakong alas-3:15 ng madaling-araw sa Del Fierro St.,Tondo, Maynila.

Gayundin ang kulay itim na Honda XRM 125 motor­siklo na may plate number 8770 NN na ginamit sa pang­hoholdap sa biktima na pag-aari ni Jojo. Unang naaresto ng mga tauhan ni Pinon ang na­sawing si Capili sa may Morio­nes,Tondo kung saan ikinanta nito ang kanyang mga ka­samang sina Bautista at Jojo. Hindi alam ng suspect na si Bautista at Jojo na na­aresto na si Capili, kaya nang ta­wagan sila para magkita sa Tayuman, doon na naaresto ng mga awtoridad ang dalawa.

BAUTISTA

CAPILI

CHIEF INSP

DEL FIERRO ST.

DISTRICT SPECIAL PROJECT UNIT

JOHN GUIAGI

JOJO

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with