Driver nag-suicide

MANILA, Philippines - Upang hindi na maging pabigat dahil sa kanyang na­raranasang sakit, winakasan na ng isang 49-anyos na jeepney driver ang kanyang buhay matapos itong mag­bigti kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, ang bangkay ng biktimang si Rey­naldo Narag ng #29 Laurel St., Tondo ay nadiskubre ng kan­yang anak na si Mary Ann, 25, na nakabitin sa kisame gamit ang pinagdugtung-dugtong na t-shirts, dakong 10:30 ng umaga kahapon.

Sinabi ng anak ng biktima na dalawang beses nang nag­tangka sa sariling buhay ang ama at ikatlo na ang insiden­teng ito. Madalas umanong dinaramdam ng biktima ang kanyang sakit sa puso bukod pa sa pagkaka-stroke ng da­lawang ulit.

Hiniling ng pamilya ng bik­tima na huwag nang pa­imbes­tigahan ang insidente dahil wala naman umanong foul play sa kaso.

Show comments