^

Metro

Facebook, Twitter papasukin ng MMDA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Papasukin ng bagong pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang makabagong teknolohiya sa “internet” partikular na ang mga “social networking sites” na Face­book at Twitter upang maiba­hagi nang mabilis ang mga pro­grama ng ahensya at maka­ugnayan ang publiko para sa mga suhestiyon at maging mga puna.

Sa “turn-over ceremony” ka­hapon kung saan pinalitan ni Francis Tolentino si Oscar Inocentes, sinabi nito na magiging bukas ang MMDA sa mga suhestiyon ng taum­bayan o pagbibigay ng prayo­ridad sa “civil will” upang ma­ramdaman ng tao na pinaki­kinggan sila ng ahensya. Magi­ging lantad umano sa publiko ang lahat ng programa ng ahensya at maging ang gastusin sa kanilang mga proyekto.

Dahil sa dami ng mga may accounts sa Facebook at Twitter, mabilis umanong ma­ipababatid ng MMDA ang kanilang araw-araw na “ad­visories” sa trapiko, mga pro­grama at mga batas na ipatutupad.

Sinabi rin nito na magi­ging makatao at gagalangin ang karapatang pantao ang ahen­sya ngunit ipagpapatuloy pa rin ang pagdisiplina sa mga pa­­saway na “sidewalk ven­dors, informal settlers”, at mga tsuper.

Ipagpapatuloy din ni To­len­tino ang programa ni Inocen­tes na huwag nang magbigay ng eksempsyon sa mga VIP sa pinaiiral na “Uni­fied Vehicle Volume Re­duction Program o number coding” maliban sa mga le­hitimong miyembro ng media na nasa duty at mga doktor na may tawag na emergency.

Kumpiyansa naman si Tolentino na magiging ma­ayos ang kanyang pakiki­tungo sa mga Metro Mayors na bumubuo ng Metro Manila Council (MMC). Una nang kina­usap nito si Makati Mayor Junjun Binay na nagbigay ng kanyang suporta sa programa ng ahensya bagama’t hindi pa natiyak kung susunod na ito sa alituntunin sa trapiko na ipinatutupad ng MMDA.

Makakahinga naman nang maluwag ang mga opisyales ng MMDA makaraang ihayag ni Tolentino na walang maga­ganap na balasahan sa kan­yang pag-upo upang hindi mabalam at maipagpatuloy umano ang programa ng ahensya.

FRANCIS TOLENTINO

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

METRO MANILA COUNCIL

METRO MAYORS

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OSCAR INOCENTES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with