Miyembro ng Alvin Sison robbery group, timbog

MANILA, Philippines - Arestado ang isang   miyembro ng notorious hold-up group na “Alvin Sison Robbery Group” kamakalawa sa Caloocan City.

Kinilala ang nadakip na si Rico Dela Cruz, 26, ng Libis Nadurata ng lungsod na ito.

Nabatid kay Supt. Ferdinand Del Rosario, hepe ng District Intelligence Division ng Northern Police District (NPD), alas-4:45 ng hapon nang madakip ang suspek malapit sa bahay nito sa nabanggit na lugar sa bisa ng arrest warrant laban na ipinalabas ni Judge Remegio Escalada Jr., ng RTC Branch 122 dahil sa mga kasong robbery hold-up.

Si Dela Cruz ay sinasabing miyembro ng “Alvin Sison Robbery Group” na nag-ooperate sa CAMANAVA area at kalapit na lungsod.

Ilang linggo nang minanmanan ng mga pulis si Dela Cruz hanggang sa matiyempuhan ito nang lumutang sa kanilang lugar.

Show comments