^

Metro

SONA naging maayos at payapa - PNP

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Generally peaceful and orderly! 

Ito ang idineklara kaha­pon ng Philippine National Police (PNP) matapos na salubungin ng mapayapa at maayos na de­monstrasyon sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangu­long Benigno Aquino III sa Batasan Pambansa ka­hapon. 

Sa security assessment ng PNP bagaman may mga rali­yista sa kahabaan ng Com­monwealth Avenue sa Quezon City ay wala namang nang­ya­ring mga kaguluhan sa akti­bidad mula sa grupo ng mga militante. 

Sinabi ni PNP Chief Di­rector General Jesus Verzosa, sa mo­nitoring ng PNP ang mga public assemblies at mass actions ay matiwasay at mapayapa ha­bang nagde-deliver ng kanyang SONA si PNoy sa pagbubukas ng ika -15 Congress.

Ang NCRPO ay nag-deploy ng 8,000 pulis sa mga istrate­hikong lugar sa Metro Manila kabilang ang 4,500 sa bisinidad ng Batasan Com­plex habang ang AFP-NCR-COM naman ay dala­wang compa­nies o mahigit 200 sun­dalo ma­liban pa sa dalawang batalyon (1,000) stand­by forces sa Camp Aguinaldo.  

Nabatid na may 6,000 rali­yista ang nagdaos ng kilos-pro­testa sa northbound lane ng Commonwealth Avenue da­kong alas-3 ng hapon kung saan bandang alas-3:30 ng hapon ay naging 3,500 na la­mang ang mga ito.

vuukle comment

BATASAN COM

BATASAN PAMBANSA

BENIGNO AQUINO

CAMP AGUINALDO

CHIEF DI

COMMONWEALTH AVENUE

GENERAL JESUS VERZOSA

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with