Manila City hall may bagong MIB chief

MANILA, Philippines - Itinalaga ni Manila Mayor Alfredo Lim si Ric de Guzman bilang hepe ng Media Information Bureau(MIB) ng city hall na concurrent­ bilang chief of staff.

Kasabay nito, agad ding nilinaw ni Lim na hindi tatanggap ng dagdag na sahod si de Guzman bagama’t dalawang posisyon ngayon ang hawak nito.

Si De Guzman ay isa lamang sa mga mapagkakatiwalaang tao ng alkalde na kanyang itinalaga matapos itong manalo noong 2007 sa local elections laban kay dating Manila Mayor Lito Atienza.

Samantala, nagsasagawa ngayon ng pag-aaral ang city hall upang malaman kung sino ang mga tunay na nagtatrabaho.

Matatandaang sinabi ni Lim na kailangang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng publiko sa abot ng makakaya ng city government­ dahil ang mga ito ang siyang nagluklok sa kanila.

Nanawagan din si Lim sa publiko na suportahan si Pangu­long Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III upang matiyak ang pag-unlad ng bansa lalo na at nagpahayag ito na kanyang susu­portahan ang Manilenyo.

Show comments