^

Metro

Doktora nadenggoy sa internet transaction

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nadenggoy ang isang dok­tora ng halagang P29,000 nang makipagtransaksiyon ito sa pamamagitan ng internet sa isang umano’y Tsinoy na nag­benta ng kanyang i-phone, sa Sampaloc, Maynila, sa ulat kahapon.

Sa reklamong idinulog sa tanggapan ng MPD-General Assignment Section (GAS) ni Dr. Kristine Natalee Legaspi, 29, dermatologist, ng Don Quijote St., Sampaloc, isang Edison Go, ng Baguio City ang naka-transaksiyon niya subalit aminado na sa internet lamang.

Noong Hulyo 14, 2010  ay nag-post umano ang suspect ng ibinebentang i-phone mo­bile phone sa halagang P29,000 at agad niyang ki­nontak hanggang sa magka­sundo na ideposito na lamang ang kabayaran sa account (3160-13579-4) sa Allied Bank branch, E. Rodri­guez Branch, Quezon City.

Kapalit umano ay ipada­dala sa cargo package ng Air-21 ang i-phone, dahil nasa Baguio City umano ang suspect. Ilang araw ang lumipas ay hindi pa dumarating ang pack­age at hindi na rin ma­kontak sa cell­phone ng bik­tima ang suspect.

Bineripika ng biktima sa nasabing bangko kung exist­ing ang account ng suspect, na kinumpirma ng bank manager na mayroon naman, bagamat hindi na nakakuha pa ng ibang impormasyon ang biktima dahil sa umiiral na bank secrecy law.

Nakabitin pa ang kaso dahil  sinisikap pang matunton ang suspect.

ALLIED BANK

BAGUIO CITY

BINERIPIKA

DON QUIJOTE ST.

DR. KRISTINE NATALEE LEGASPI

EDISON GO

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

NOONG HULYO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with