^

Metro

Arabo patay din sa holdap

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - “Pulis, Holdap.”

Ito ang mga katagang  nagpahamak sa buhay ng isang 45-anyos na Arab national nang barilin siya ng isa sa riding in tandem na holdaper nang magpasaklolo sa nakitang pulis sa aktong hinoholdap siya sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Tuluyang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMC) ang  biktimang si Faiz Zhaheen, negosyante at residente ng Solis St., Tondo, Maynila.

Sa inisyal na ulat ni SPO2 Renato Viray, desk officer ng Manila Police District-Station 7, dakong alas-11  ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng Lakandula Elementary School, sa Solis st.,Tondo.

Nagmamaneho ang biktima ng kaniyang motorsiklo habang naka-angkas umano ang  nagpakilalang asawa na si Leah Mendriono Pusing, nang dikitan sila ng riding in tandem na mga suspect at magdeklara ng holdap.

Walang nagawa ang biktima nang kusang ibigay na umano ni Pusing ang mga suot na gintong bracelet at kuwintas  subalit eksaktong dumaraan umano si PO2 Carlo Hernandez, naka­talaga sa PNP Camp Crame, nang sumigaw umano  si Zhaheen nang “Pulis, holdap,” upang magpasaklolo kaya nata­ranta umano ang driver ng motorsiklo na pinaharurot papalayo ang sasakyan habang naiwan naman ang isang suspect.

Binaril umano ng naiwang suspect si Zhaheen bago nakipagbarilan kay PO2 Hernandez .Walang tinamong tama ang suspect dahil nakakubli umano ito  at tuluyang nakatakas.

Nakita na lamang sa di kalayuan na itinapon ang suot na helmet at t-shirt na puti ng suspect na hinihinalang nakapagpalit ng damit o naghubad na lamang.

Nagsasagawa din ng follow-up operation ang mga tauhan ni MPD-Station 7 Supt. Remegio Sedanto sa Solis st, Tondo at kalapit na lugar,  na matagal nang pinamumugaran ng mga armadong holdaper, sa ilang dekadang nakalipas.

vuukle comment

CAMP CRAME

CARLO HERNANDEZ

FAIZ ZHAHEEN

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LAKANDULA ELEMENTARY SCHOOL

LEAH MENDRIONO PUSING

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with