^

Metro

21 iskul sa Que­zon City walang pasok sa Lunes

-

MANILA, Philippines - Kanselado ang pasok ng may 21 public schools sa Que­zon City sa panahon ng State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino sa Hulyo 26, araw ng Lunes.

Ito ay batay sa rekomen­dasyon ng Quezon City division of schools kaugnay sa mga aktibidades ng SONA ni P-Noy na posibleng maapektuhan ng pagdagsa ng mga tao na tutu­ngo sa Kongreso bukod pa ang inaasahang pagsasagawa rin ng mga rali ng iba’t ibang grupo.

Ang mga suspendido ang klase sa elementarya ay sa Batasan Hills Elementary School, Payatas A Elementary School, Payatas B Elementary School, Payatas C Elementary School, Payatas B Annex Ele­mentary School, San Diego Elementary School , Bagong Silangan Elementary School, Doña Juana Elementary School, Commonwealth Elementary School, Commonwealth Annex, Manuel L. Quezon Elementary School, Culiat Elementary School at New Era Elementary School.

Sa high school suspendido ang klase sa Bagong Silangan High School, Batasan Hills National High School, Commonwealth High School, New Era High School, Justice Cecilia Munoz Palma High School, Holy Spirit High School, Culiat High School, Judge Feliciano Belmonte High School.

Kaug­nay nito, inaatasan ni QC Mayor Herbert Bautista ang DPOS at iba pang concerned agencies na makipag-ugnayan sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para matiyak na ma­ayos at payapa ang isa­saga­wang SONA ni Pangulong Aquino. (Angie dela Cruz/Danilo Garcia)

BAGONG SILANGAN ELEMENTARY SCHOOL

BAGONG SILANGAN HIGH SCHOOL

BATASAN HILLS ELEMENTARY SCHOOL

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL

COMMONWEALTH ANNEX

COMMONWEALTH ELEMENTARY SCHOOL

ELEMENTARY

HIGH

SCHOOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with