Janitor may 2 nobya, nagbigti

MANILA, Philippines – Dahil sa hindi maka­pag­pasya kung sino sa da­lawang nobya ang pi­piliin  kaya’t minabuti na lamang ng isang 24-an­yos na janitor na mag­pa­kamatay sa loob ng pina­pasukang Catholic school, sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng hapon.

Natagpuang bangkay na ang biktimamg si Ma­nolito Gedorio Jr., ng Do­minican School, na ma­ta­tagpuan sa P. Mar­gal at Gov. Forbes Sts.

Sa ulat ng pulisya, da­kong ala-1:20 ng hapon nang madiskubre ang bik­tima na nakabigti sa  sports equipment room ng ele­mentary building ng na­sabing eskwelahan.

Sa pahayag ng kasa­ma­han sa trabaho na si Ismael Verano dakong 7:00 ng umaga nang ma­kita niyang naglalakad ang biktima sa harapan ng ad­mi­nistration building at tila balisa.

Nakarating umano sa ka­alaman ng school admi­nis­tration ang pakikipag-relasyon ng biktima sa da­lawang babae, kaya ma­bigat ang problema nito lalo na nang kausapin umano siya ng isang madre na opisyal ng pa­aralan at sinabihan na dapat niyang pakasalan ang babaeng nabuntis umano nito at kung hindi ay sisibakin siya sa trabaho.

Bukod sa nabuntis, may isa pa umanong nobya na kalive-in ang biktima. May tatlong taon na umanong naninilbihan bilang janitor sa Dominican ang biktima.

Samantala, dahil sa matinding tam­po matapos sermu­nan ng kanyang ama, isang 18-anyos na da­laga naman ang nag­pa­tiwakal kahapon ng tang­hali sa Caloocan City.

Patay na nang ma­tag­­puan ang biktimang si Mary Ann Clarish Talo, na­­katira sa Jasmin st., De­­paro ng lungsod na ito.

Sa report ng Calo­ocan City Police, nabatid na alas-12:15 ng tanghali nang makitang nakabigti ng kumot ang biktima sa loob ng kanilang bahay ng ka­ibigang si Jonalyn Pa­nag­sagan. Nabatid na bago ang insidente ay nasermo­nan ang biktima ng kan­yang ama dahil sa late na pag-uwi ng dalaga sa ka­nilang bahay. (Ludy Ber­mudo at Lordeth Bonilla)

Show comments