^

Metro

'Morong 43' detainee manganganak sa PGH

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Ngayong araw inaasahang magsisilang ng sanggol sa Philippine General Hospital (PGH) ang isa sa detainees na tinaguriang “Morong 43”.

Nabatid mula sa Health Alliance for Democracy o HEAD na magsisilang ng kanyang -‘first baby’ si Carina Judelyn Oliveros matapos payagan ni Judge Gina Cenat Escoto ng Morong Rizal Regional Trial Court Branch 78, na makalabas ng piitan at manganak sa PGH sa pamamagitan ng caesarian operation.

Batay sa kautusan ng hukom,  tatlong araw lamang ma­na­natili sa PGH si Oliveros  na bantay sarado ng mga pulis at pagka­tapos ay ibabalik din sa piitan sa Morong, Rizal.

Samantala, aapela ang HEAD kay Judge Escoto para palayin si Oliveros at matugunan ang maximum prescribed  reco­very ng caesarian delivery  na 75 araw at dalawang taong breast­feeding at  maternal bonding.

Hindi anila tugma ang kulungan para sa isang bagong panganak at pangangalaga ng sanggol.

Noong Pebrero 6, 2010, si Oliveros kasama ang 42 pang kalalakihan at kababaihang health workers ay dinakip nang pinag­samang puwersa ng Philippine Army at pulisya sa tahanan ni Dr. Melecia Belmonte matapos na pagbinta­ngang mga miyembro ng New Peoples Army.

CARINA JUDELYN OLIVEROS

DR. MELECIA BELMONTE

HEALTH ALLIANCE

JUDGE ESCOTO

JUDGE GINA CENAT ESCOTO

MORONG RIZAL REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

NEW PEOPLES ARMY

NOONG PEBRERO

OLIVEROS

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with