^

Metro

2 binata humabol sa snatcher, 1 patay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tila kamalasan pa ang napala ng dalawang lalaki na tumulong sa isang bik­tima ng snatching matapos na sila ang mapagba­lingang saksakin ng suspect sanhi upang mapatay ang isa at masugatan na­man ang isa pa sa Brgy. Commonwealth Quezon City, kama­kalawa.

Ayon sa ulat ni SPO2 Rafael De Peralta ng Que­zon City Police District Cri­minal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nakilala ang nasawi na si Sedrick Vinoya 29; habang sugatan ang ka­ sama nitong si Harold Meniel 20, kapwa resi­dente ng Grapas St. ng natu­rang lungsod.

Base sa report bandang alas-10 ng gabi nang mang­yari ang insidente habang ang dalawang biktima ay nasa loob ng kanilang bahay at nagpa­pahinga.

Bigla na lamang uma­nong nakarinig ang mga ito ng paghingi ng saklolo mula sa isang Ma. Arlene Lorenzo na nabiktima ng isnatcher.

Bilang concerned citizen, agad na lumabas ang mga biktima at saka mabilis na hinabol ang suspek na nag­tatakbo sa eskinita malapit sa Mango St.

Nang masukol ng mga biktima ang nasabing snat­cher ay agad bumunot ng patalim at saka hinalihaw ng magka­sunod na saksak ang mga biktima.

Sa puntong ito, nagtamo ng saksak si Vinoya sa dib­dib at tiyan, habang si Meniel naman ay nagtamo naman ng saksak sa tiyan. Agad namang tuma­kas ang suspect matapos ang pana­naksak.

Isinugod naman ng ka­nilang mga kaanak ang mga biktima sa Malvar Ge­neral Hospital kung saan idinek­larang dead on arrival si Vinoya habang inilipat naman sa East Avenue Me­dical Center si Meniel.

vuukle comment

ARLENE LORENZO

CITY POLICE DISTRICT CRI

COMMONWEALTH QUEZON CITY

EAST AVENUE ME

GRAPAS ST.

HAROLD MENIEL

INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

MALVAR GE

MANGO ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with