^

Metro

Nakawan sa LTO office, inside job?

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang inside job ang pagkawala ng buong araw na kinitang pera ng Land Transportation Office (LTO)-Licensing Office Dili­man branch na matatagpuan sa loob mismo ng LTO com­pound, East Avenue, Quezon City.

Bunsod nito, ipinag utos ni LTO Chief Virginia Torres ang naganap na pagkawala ng may P192,000 pondo na kinita ng naturang opisina sa buong araw na operasyon noong Lunes , Hulyo 19.

Sinabi ni Torres na papa­panagutin niya ang sinumang sangkot sa insidente at iim­bestigahan din ang mga tauhan sa naturang opisina at maging ang mga guwardiya na naka-duty sa buong mag­damag ng Lunes hanggang madaling-araw ng Martes Hulyo 20.

Ang pagkawala ng natu­rang salapi ay nadiskubre kahapon ng alas- 6 ng umaga nang pumasok ang kahero na si Levi Almoraza at nang buksan ang kanyang kaha ay wala na ang naturang pera na kinita noong Lunes.

Sinabi ni Torres na maging si Almoraza ay bubusisiin ng QC Police upang matiyak kung wala itong kinalaman sa naturang nakawan.

vuukle comment

ALMORAZA

CHIEF VIRGINIA TORRES

EAST AVENUE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LEVI ALMORAZA

LICENSING OFFICE DILI

MARTES HULYO

QUEZON CITY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with