6 na pulis 'swak' sa Maguindanao masaker
MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang pagsailalim sa arraignment ng anim na police officers na sangkot sa Maguindanao massacre matapos na mapatunayang may probable cause para sila ay idiin sa naturang kaso.
Sa limang pahinang kautusan ni QC RTC Branch 221 Presiding Judge Joce lyn Solis-Reyes, isasailalim sa pagbusisi ng korte ang anim na pulis na sina P/Supt. Abdulwahid Pedtucasan, P/Insp. Sukarno Dicay, P/Insp. Abdul Gapor Abad, PO1 Michael Macraongon, PO1 Mohammad Balading at PO3 Rasid Anton dahil napatu nayan ng korte na ang mga ito ay nakipagkutsabahan para isagawa ang naturang krimen.
Ang pagbasa ng sakdal sa mga nabanggit ay tinakda ni Judge Reyes sa Hulyo 28, alas-9 ng umaga sa Quezon City Jail-Annex, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Pinawalang-sala naman nito sa kaso ang pulis na si PO1 Johann Draper dahil sa kakulangan ng ebidensiya na nagsasangkot dito.
Binigyang-diin ni Judge Reyes na ang anim na pulis, ay bahagi ng police team sa ilalim ng 1508th Maguindanao Police Group na pinangunahan ni Dicay na nangasiwa sa checkpoint kung saan dumaan ay convoy ng mga biktima ng masaker.
Sinabi ng hukom na imposible na walang magagawa ang mga pulis bago at sa panahon, gayundin nung matapos ang krimen na kailangan ang mga ito sa panahon ng emergency.
“Such inaction could only make one surmise the existence of conspiracy between and among the accused,” dagdag ni Judge Solis-Reyes.
- Latest
- Trending