^

Metro

Barker binoga ng rider, dedo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang barker ma­tapos barilin sa ulo ng isang rider sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Francisco Antonio, 24, miyembro umano ng “Bahala na Gang” at naninirahan sa Calvang Hills, Brgy. Damayan Lagi, Quezon City.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may Aurora Blvd. corner Stanford St., Brgy. Socorro, Cubao bandang alas-10:45 ng gabi.

Bago ang insidente, naikuwento pa umano ng biktima sa ilang kaibigan na may lalaking sunod nang sunod sa kanya sakay ng motorsiklo.

Pero dahil hindi batid ng biktima ang tunay na pakay ng naka-motorsiklong lalaki ay nagpatuloy ito sa kanyang trabaho bilang barker ng pampasaherong jeepney.

Kasalukuyang nagtatawag ng pasahero ang biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo na lumapit sa una at walang kaabug-abog na pinaputukan ito sa ulo.

Nang bumuwal sa kalye ang biktima ay agad na tumakas ang suspek sa nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Neil Garnace ng Crime Investigation and Detective Unit ng Que­zon City Police, lumalabas na bago ang pama­maril ay may nakaalitang drayber ng jeep sa pila ang biktima. Patuloy pa rin ang isinasa­gawang imbestigasyon.

vuukle comment

AURORA BLVD

BRGY

CALVANG HILLS

CITY POLICE

CRIME INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

DAMAYAN LAGI

FRANCISCO ANTONIO

NEIL GARNACE

QUEZON CITY

STANFORD ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with