^

Metro

Call center agent nag-upload ng sex video, tiklo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na call center agent na inireklamo ng kaniyang dating kasintahan dahilan sa pag-upload ng kanilang sex video sa Face­book ang inaresto ng mga ope­ratiba ng pulisya sa isang mall sa Ermita, May­nila ka­hapon ng umaga.

Sapak sa mukha ang su­malubong sa suspect na si Edwardson Base, call center agent sa Mandaluyong City, residente ng Commonwealth, Quezon City mula sa bagong nobyo ng dating nobya nitong itinago sa pangalang Katrina.

Si Katrina kasama ang kaniyang bagong boyfriend ay sinamahan pa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ng makipag-eyeball sa isang mall sa Ermita sa suspect.

Base sa reklamo ni Kat­rina, 20-anyos, estud­yante at tubong Nueva Ecija, ang kaniyang dating nobyong si Base ang nag-upload sa Face­book ng kanilang sex video noong Hunyo 16, 2010.

Sa salaysay ng biktima kay C/Insp. Marcelo Reyes, hepe ng MPD-General Assignment Section, tinawa­gan niya kaagad ang dating nobyo hinggil sa sex video na napa­nood sa Facebook at tatlong araw umanong magkaka­sunod at paulit-ulit na ipina­dala ang nasabing sex video sa kaniyang mga professor at mga kaibigan.

Inamin naman ng biktima na may apat na taon na silang magkasintahan ng suspect, matapos niya itong maka-textmate na human­tong sa minsang pagtatalik. Nakipag­kalas siya sa suspect nitong Mayo 2010 da­hilan hindi ito gusto ng kani­yang mga magu­lang at may iba na siyang minamahal.

Nagulat na lamang ang biktima nang makita sa Face­book at ibalita ng mga kaibi­gan na may sex video sila ng dating nobyo. Tinawagan niya ang da­ting nobyo at nakiusap na tigilan na ang ginagawa su­bali’t hiniling umano nito na magkita sila sa SM-Manila na nagresulta sa pagkaka­sakote sa suspect dakong alas-10 ng umaga kahapon.

Humihimas na ng rehas na bakal ang suspect na nahaha­rap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Womens Against Violence) at Anti-photo at Voyeurism Act of 2009 ang suspect.

vuukle comment

EDWARDSON BASE

ERMITA

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MANDALUYONG CITY

MANILA POLICE DISTRICT

MARCELO REYES

NUEVA ECIJA

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with