^

Metro

Pampaluwag ng trapiko sa MM...Buong araw na coding ipatutupad ng MMDA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Upang maibsan ang ma­lalang daloy ng trapiko, pina­plano na ng Metropolitan Manila Development Authority­ (MMDA) na mas palawigin pa ang ‘window hours’ sa ‘number coding’ sa mga pribadong sasakyan sa buong Metro Manila na kaha­lintulad ng ipi­natutupad na batas trapiko sa Makati City.

Sinabi ni MMDA Chairman Oscar Inocentes na sa ilalim ng naturang panukala, tatang­galin ang ‘window hours’ mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon kagaya ng ipinatutu­pad sa Makati City upang hindi umano mag­karoon ng kalituhan sa mga motorista sa implemen­tasyon ng batas trapiko.

Nabatid na tanging ang Makati City ang hindi su­munod sa ipinatutupad na mga batas sa trapiko ng MMDA na nasa ilalim pa noon ni dating Chairman Bayani Fernando. Lumikha ito ng napakaraming prob­lema lalo na sa mga mo­to­rista na na­katira at du­ma­raan sa mga kal­sada ng lung­sod dahil sa ginaga­wang panghuhuli ng mga traffic enforcers ng Makati City Hall.

“Kung aalisin ang window hours, hindi maaaring lu­mabas sa kalye ang mga sa­sakyan na coding mula 7am hanggang 7pm. Sa gani­tong paraan, mas lulu­wag ang daloy ng trapiko sa lan­sangan nang buong araw,” paliwanag pa ni Inocentes.

Isusumite ang naturang panukala sa susunod na pag­pupulong ng Metro Manila Council (MMC) upang ma­pag­desisyunan ng mga alkalde.

Nanawagan naman si Inocentes sa mga alkalde ng Metro Manila na personal na dumalo sa buwanang pag­pupulong ng MMC at huwag nang magpadala ng kani­lang mga kinatawan upang hindi magkaroon ng ku­westiyon sa legalidad ang mga napagde­desisyunan na mahahala­gang regulasyon at isyu.

Isinagawa ni Inocentes ang panawagan makaraang walo lamang sa 17 alkalde ang dumalo sa nakaraang pulong kung saan hindi idi­neklara ng kawalan ng quorum at hindi natalakay ang pagresolba sa panukalang ipatupad muli ang number coding sa mga pampasa­herong bus upang mas lumuwag ang EDSA at iba pang pangunahing kalsada.

Samantalang, ilang al­kalde ang kumukuwes­tiyon ngayon sa otoridad ni Ino­centes na pamunuan ang MMC dahil sa hindi naman ito naging opisyal ng lokal na pamahalaan at isa sa mga appointee ni dating Pangu­long Gloria Macapagal-Arroyo na nananatili sa puwesto.

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN OSCAR INOCENTES

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

INOCENTES

MAKATI CITY

MAKATI CITY HALL

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with