^

Metro

PUJ terminal wawalisin

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines – Nabibilang na ang araw ng mga pampasaherong jeep sa Sta. Cruz, Maynila matapos na ipasya ng Manila City Hall na tanggalin na lamang ang ter­minal ng mga pampasa­herong jeep dito na nagdudulot ng away sa pagitan ng grupo ni Zeny Maranan ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) at ni George San Mateo, pangulo ng Pinagka­isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON).

Ayon kay Chief of Staff Ric de Guzman, mas makabu­bu­ting alisin na lamang ang ter­minal ng jeep sa Sta. Cruz, Maynila na may rutang Sta. Cruz-Divisoria upang matigil na rin ang away sa pagitan ng dalawang grupo.

Sinabi ni de Guzman na walang katotohanan ang pa­hayag ni San Mateo na nalulugi ang mga driver sa kanyang grupo dahil sa pagsingit sa pama­masada ng mga driver na nasa grupo ni Maranan.

Giit ni de Guzman, ang grupo ni San Mateo ang hindi sumusunod sa usapan at sa halip ay nais nitong huwag nang makapasada pa ang mga driver mula sa FEJODAP.

Ipinaliwanag ni de Guzman na batay sa kanilang napagka­sunduan, limang  jeep mula sa PISTON ang mauuna sa pila­han habang ang ika-anim ay mula sa FEJODAP na muling susundan ng taga-PISTON sa ika-pitong pila.

Subalit ayon kay De Guz­man, inaangalan pa rin ni San Mateo ang patakaran na hindi naman makatarungan. Aniya, niluluwagan ng   pamahalaang lungsod ang regulasyon upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng driver na kumita.

Ngunit sa aksiyon at rek­lamo ni San Mateo, mas maka­bubuting alisin na lamang ang terminal. Aniya, makatutulong pa ito sa pagluluwag sa daloy ng trapiko sa lugar.

Kasabay nito, sasampahan din ng kasong slander ni de Guzman si San Mateo matapos na sabihin nito na kinokotongan niya ang mga driver.

vuukle comment

ANIYA

CHIEF OF STAFF

CRUZ

DE GUZ

DRIVERS ASSOCIATION

GEORGE SAN MATEO

GUZMAN

SAN MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with