^

Metro

Visa ni Lacson mapapaso na! - NBI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines – Mahihirapan nang magtago si Senador Panfilo Lacson matapos ang ulat na mapapaso na ang Schengen visa nito.

Kasabay nito, inalerto naman ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula ang NBI-Interpol Division sa pamumuno ni Claro de Castro Jr. na makipag-ugnayan sa counter­parts nito sa ibayong dagat, partikular sa Europe upang mamonitor sakaling naroon ang senador.

Ayon kay Gatdula, kung mawalan na ng bisa ang Schengen visa ng senador, magiging limitado na umano ang galaw nito dahil hindi siya basta makalilipat sa ibang border na boundary ng mga bansa sa Europe , lalo na at nasa talaan siya ng Interpol red notice.

Sinabi rin ni Gatdula na patuloy din ang pag­galugad sa loob ng Pilipinas upang hanapin kung naririto pa sa bansa ang senador.

Sakaling mahuli o sumuko si Lacson, ikukulong siya sa regular na detention facility, kasama ang iba pang detainees. Hindi umano totoo ang ulat na may inihanda ang NBI na special jail para sa kanya,

Ang holding room na pinagkulungan umano kina dating police Sr. Supt. Cezar Mancao III at dating P/ Supt. Glenn Dumlao, sa NBI main office ay ginawa ng opisina.

Tiniyak ni Gatdula na magiging parehas ang laban at hindi bibigyan ng special detention ang senador kahit ito ay dati niyang ‘boss’.

“Ang sabi ng NBI ngayon, parehas na ang laban ngayon, level na ang playing field, even the detention field,” ani Gatdula. 

Malabo umanong mangyari ang duda ng ilang kritiko na may pabor siyang gagawin para sa kaso ng senador na dati niyang amo dahil nasa kamay na ng husgado ang pagpapasya at nasa huris­dik­siyon na umano ito ni Manila RTC Judge Thelma Bunyi-Medina, ng Branch 32.

CASTRO JR.

CEZAR MANCAO

DIRECTOR MAGTANGGOL GATDULA

GATDULA

GLENN DUMLAO

INTERPOL DIVISION

JUDGE THELMA BUNYI-MEDINA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SCHENGEN

SENADOR PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with