^

Metro

Ayaw tumigil sa pag-iyak: Paslit todas sa gulpi ng ama

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines – Makaraang ayaw tumigil sa pag-iyak, patay ang isang 3 taong gulang na bata ma­tapos na hagupitin ng sinturon ng kanyang ama na pinani­niwalaang bangag sa ipinag­ba­bawal na gamot kamaka­lawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay din sa Sta. Tere­sita Hospital ang bikti­mang si Kareene Chloe Delfin, habang nakakulong naman ang sus­pect na si Frederick Malvas, 31, private driver, at nakatira sa #17 Atok St., Brgy. Sto. Domingo Q.C. 

Sa inisyal na imbesti­gas­yon ni SPO2 Mario Turiano ng Quezon City Police District-Cri­minal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente da­kong 10:30 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-ama.

Nauna rito, pumalahaw ng iyak ang biktima nang umalis ang inang si Karen Delfin para pumasok sa trabaho bilang isang call center agent.

Dito na naburyong ang suspect at saka walang habas na pinag­papalo ng sinturon sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng bata. Matapos ang pag­ma­­mal­trato, nadumi ang bata at saka nawalan ng malay da­hi­l­an para isugod ito sa ospital. Lumilitaw naman sa pag­susuri na nagtamo ang bik­tima ng mga pasa at galos sa ulo, noo, likod, hita at leeg. 

Ayon naman sa suspect, nais lamang niyang disiplina­hin ang bata at hindi niya ina­kalang mamamatay ito. 

Sa kabila nito, desidido naman si Karen na sampahan ng kaukulang kaso ang live-in partner na si Malvas.

vuukle comment

ATOK ST.

DOMINGO Q

FREDERICK MALVAS

INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

KAREENE CHLOE DELFIN

KAREN DELFIN

MARIO TURIANO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with