^

Metro

Sindikato sa NAIA sumalakay:Kano natangayan ng P2.5 milyon

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Muli na namang suma­lakay ang sindikato ng “rob­bery hold-up” sa mga balik­bayan at turista na lumalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang mabiktima ang mag-asawang turistang Amerikano na na­tangayan ng P2.5 milyon salapi, alahas at sasakyan, kahapon ng mada­ling-araw sa Manda­luyong City.

 Nakilala ang mga bikti­mang sina Frederick Allan Boutcher, 62; at Filipinang misis nito na si Priny, 52, ng #512 Carosucan Norte, Asingan, Pangasinan.

 Sa ulat ng pulisya, duma­ting sa Pilipinas buhat sa Estados Unidos ang mag-asawang Boutcher kahapon ng madaling-araw kung saan sinundo sila ng anak ng babae na si Rogelio Maullon, 32, sa NAIA.

Sakay ng Isuzu Crosswind (XYJ-499) ang mga biktima at tinatahak ang kahabaan ng EDSA dakong ala-1:10 ng madaling-araw nang biglang harangin ng mga armadong lalaki na nagsibaba sa isang kulay pulang Toyota Innova na hindi naplakahan pagsapit sa underpass ng Shaw Blvd. sa Mandaluyong City.

Agad na tinutukan ng baril ng mga salarin si Maullon at pinababa ng Crosswind ha­bang isa sa mga suspect ang nagmaneho ng kanilang sa­sakyan habang kasunod ang van ng mga suspect.  Mabilis namang iniulat ang insidente ni Maullon sa Mandaluyong po­lice na nagpalabas ng alarma sa iba pang istasyon ng pulisya.

Makalipas ang ilang oras, nakatanggap ang Mandalu­yong Police ng tawag mula sa Galas Police Station ng Que­zon City matapos mag-report doon ang mag-asawang Boutcher na ibinaba ng mga salarin sa may Balete Drive sa Quezon City. 

Tangay ng mga salarin ang kanilang sasak­yan, mga alahas, salapi at dollar bank account kasama na ang kanilang mga bagahe.

 Matatandaang nitong Hunyo 19,  nabiktima rin ng ka­tulad na modus operandi  si  Jorge  Bernas, 41, bayaw ni Luli Arroyo, at pamilya nito, kung saan binaril pa ng mga suspect ang una matapos itong pumalag at humingi ng saklolo. 

Galing rin ang pamilya Bernas sa NAIA makaraang umuwi ang biktima buhat sa Estados Unidos at harangin ng mga salarin sa may C-5 Road sa Pasig City at tina­ngay rin ang kanilang sasak­yan at mga gamit.

Ayon sa pulisya, posibleng tinitiktikan ng mga sindikato ang kanilang bibiktimahin sa NAIA pa lamang at susundan hanggang sa harangin at isagawa ang panghoholdap.

BERNAS

BOUTCHER

CAROSUCAN NORTE

ESTADOS UNIDOS

FREDERICK ALLAN BOUTCHER

GALAS POLICE STATION

ISUZU CROSSWIND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with