^

Metro

3 luxury cars wasak kay Basyang

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Natuklasan kahapon ang pag­kawasak ng tatlong “lux­ury vehicles” na naka-display sa isang showroom nang ma­bagsakan ng bakal na bu­magsak sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Basyang, sa Mandaluyong City. Kahapon na ng umaga napansin ng mga tauhan ng Shaw Automotive Resources Inc. ang pagkasira ng tatlo nilang mamahaling sasakyan kabilang ang isang Starex Limousine, may halagang P2.6 milyon; isang gray na Hyundai Sta. Fe (P1.5 milyon); at isang Hyundai Tucson (P1.08 milyon). Du­mulog sa Mandaluyong Cri­minal Investigation Unit si Allan Jimenez, 27, sales manager ng naturang kum­panya, kung saan inireklamo nito ang Design Coordinates Inc. na responsable sa gusali na pinanggalingan ng “steel metal beams” na bumagsak sa kanilang showroom na nasa #411 Shaw Blvd., ng na­turang lungsod.              

Ayon kay Jimenez, hindi agad nila napansin ang mga bumagsak na metal beams sa kanilang showroom buhat sa bubungan ng gusali ng De­sign Coordinates dahil sa madilim ito bunga ng kawalan ng kuryente. Natuklasan na lamang nila ang pagkasira ng kanilang mga ibinibentang mga brand new na sasakyan kahapon ng umaga nang maging normal na ang suplay ng kuryente at pagpasok ng kanilang mga tauhan.             

Sa reklamo ni Jimenez, kailangang sagutin ng inire­reklamo nilang kompanya ang higit P4 milyong kabuuang ha­laga ng mga nasirang sasak­yan dahil sa hindi na mare­remedyuhan ang mga sira nito.

ALLAN JIMENEZ

DESIGN COORDINATES INC

HYUNDAI STA

HYUNDAI TUCSON

INVESTIGATION UNIT

JIMENEZ

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CRI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with