Silver cleaner, iba pang kemikal huwag ibandera sa bahay

MANILA, Philippines - Dahil na rin sa ma­dalas na paggamit ng silver cleaner at iba pang mga uri ng kemikal sa pag­pa­pakamatay, pina­yuhan ni Manila City Adminis­trator Jesus Mari Marzan ang mga ma­gulang na itabi ang mga ito upang ma­iwasang magamit.

Ang babala ni Marzan ay bunsod na rin ng halos sunud-sunod na insi­dente ng pagpapaka­matay at ang aksiden­teng pagka­ka­­inom ng isang taong gu­lang na bata kama­kailan sa Maynila. Ayon kay Marzan, may kapabayaan din ang mga magulang ng mga ito dahil madaling naku­kuha ang mga kemikal na dapat at nasa tagong lugar ng bahay.

Aminado si Marzan na wala naman silang ma­aring pagbawalan baga­ma’t sinabi nito na ma­aaring abisuhan ang mga tindahan na  hig­pitan ang pagbebenta ng mga naka­mamatay na kemikal par­tikular ang silver cleaner na madalas ngayong gina­gamit sa pagsu-suicide.

Batay naman sa report ng Manila Police District (MPD) halos da­lawa hang­gang tatlong katao ang naiuulat na nagpapa­kamatay gamit ang silver cleaner.

Show comments