Silver cleaner, iba pang kemikal huwag ibandera sa bahay
MANILA, Philippines - Dahil na rin sa madalas na paggamit ng silver cleaner at iba pang mga uri ng kemikal sa pagpapakamatay, pinayuhan ni Manila City Administrator Jesus Mari Marzan ang mga magulang na itabi ang mga ito upang maiwasang magamit.
Ang babala ni Marzan ay bunsod na rin ng halos sunud-sunod na insidente ng pagpapakamatay at ang aksidenteng pagkakainom ng isang taong gulang na bata kamakailan sa Maynila. Ayon kay Marzan, may kapabayaan din ang mga magulang ng mga ito dahil madaling nakukuha ang mga kemikal na dapat at nasa tagong lugar ng bahay.
Aminado si Marzan na wala naman silang maaring pagbawalan bagama’t sinabi nito na maaaring abisuhan ang mga tindahan na higpitan ang pagbebenta ng mga nakamamatay na kemikal partikular ang silver cleaner na madalas ngayong ginagamit sa pagsu-suicide.
Batay naman sa report ng Manila Police District (MPD) halos dalawa hanggang tatlong katao ang naiuulat na nagpapakamatay gamit ang silver cleaner.
- Latest
- Trending