Andal Sr., di kailangang magtagal sa ospital
MANILA, Philippines - Hindi umano nangangailangan ng matagalang confinement sa ospital si Andal Ampatuan Sr., isa sa mga akusado sa Maguindanao massacre.
Ito ang rekomendasyon ni Brig. Gen. Ariel Zerrudo, commander ng AFP Medical Center, sa isinumite nitong ulat kay QC RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis Reyes matapos ang tatlong araw na check-up ni Andal Sr. sa kanilang pasilidad kamakailan. Dahil dito, humina ang tsansang mapagbigyan ng korte ang hiling ni Andal Sr. na manatili sa isang airconditioned na kuwarto ng pagamutan.
Sa kanyang report, sinabi ni Zerrudo na hindi naman seryoso ang mga inirereklamong sakit ni Andal Sr. kaya hindi na kailangang manatili ito ng matagal sa ospital. Magaling na umano ang herpes zoster o isang uri ng sakit sa balat ni Andal Sr. at kontrolado na raw ang chronic obstructive pulmonary disease nito pati na ang kanyang diabetes. Si Andal Sr. ay naibalik na sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan Taguig noong hapon ng Biyernes.
- Latest
- Trending