^

Metro

Wanted na Kano, ipinatapon ng BI

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Pinatapon nang pa­balik ng kanilang bansa ng Bu­reau of Immigration (BI) ang isang American na­tional na wanted sa batas dahil sa iba’t ibang ka­song kriminal sa Es­tados Unidos.

Sa bisa ng summary deportation na inisyu ni BI Board of Commissioners, pinabalik sa kanilang bansa si Robert Long Wood, 58, at tubong Mon­­tana, USA sakay ng PAL Flight 104 patungong San Francisco.

Sa bisa ng deporta­tion warrant mula kay Im­migra­tion Commis­sioner Marcelino Liba­nan, ina­resto ng pinag­sanib na puwersa ng BI-Inter­pol unit, PNP at NBI si Wood sa kan­yang bahay sa Mintal, Davao City noong Hulyo 7 na guma­gamit ng mga alyas na Dennis Blanchard at Ryan Dale.

Nagtangka pa uma­nong manlaban ni Wood nang isilbi rito ang warrant at nagtangka ring mag­saksak sa sarili nang pa­su­kin ang bahay nito ng mga awtoridad sa pag-aaka­lang mga hired killers ang mga ito at plano siyang patayin subalit kaagad na na­agaw ang hawak ni­tong li­mang pul­ga­dang kutsilyo.

Ayon sa kasintahan ni Long Wood, ilang linggo na umanong paranoid ang dayuhan da­hil sa pani­­niwalang nais siyang patayin ng dati nitong ka­sosyo sa ne­gosyo. Ka­agad namang di­nala sa pagamutan si Long Wood dahil sa tinamo nitong sugat at pagkatapos ay saka di­nala rito sa May­nila kung saan siya ikinu­long sa Bicutan Im­migration Jail habang hi­nihintay ang deportation proceed­ings. Si Long Wood ay naha­tulan sa Estados Uni­dos ng mga kasong armed robbery at ma­raming bilang ng pass­port fraud at pagna­na­kaw.

BICUTAN IM

BOARD OF COMMISSIONERS

DAVAO CITY

DENNIS BLANCHARD

ESTADOS UNI

LONG WOOD

MARCELINO LIBA

ROBERT LONG WOOD

RYAN DALE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with