^

Metro

Obrero sunog sa kuryente

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang obrero nang masunog ang katawan nito ma­tapos makuryente sa Que­­zon City, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Parson Safie, 30, binata ng Phase 8, North Fairview sa lungsod.

Ayon sa ulat, nasu­nog ang kanang bewang ng biktima at dahil sa lakas ng boltaheng tu­mama sa katawan nito ay agad itong nasawi sa lugar.

Nangyari ang insi­dente sa may bakanteng lote ng Block 14, Dinar St., Brgy. North Fairview ganap na alas-11 ng umaga.

Ayon sa mga testi­gong si Apple Gariano, naglalakad sila ng kan­yang mga kaibigan sa lugar nang makita nila ang biktima na nakahan­dusay at sunog ang ba­hagi ng katawan nito.

Agad nilang ipinabatid ang nakita sa barangay opisyal na agad namang ipinarating ito sa himpilan ng pulisya.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, may narekober sa lugar ng ilang piraso ng copper wire na pinala­lagay na gagamitin sana ng biktima sa pagkakabit ng iligal na kawad ng kuryente.

Gayunman, patuloy ang pagsisiyasat ng awto­ridad sa nasabing insidente.

APPLE GARIANO

AYON

BRGY

DINAR ST.

GAYUNMAN

KINILALA

NANGYARI

NORTH FAIRVIEW

PARSON SAFIE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with