^

Metro

Paslit patay sa sunog

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang paslit ang nasawi matapos ma­da­ganan ng mga nasunog na kahoy at tuluyang ma-suffocate nang maiwan sa loob ng nasu­sunog na bahay, sa Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Raissa Dellke, isang-taong gulang at residente ng #940 Baras St.,  Quezon Boulevard, Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni C/Insp. Bonifacio Carta, ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-5:33 ng umaga nang magsimula ang sunog sa inuupa­hang bahay ng mag-live-in na sina Renz Gene­roso at Rachel Dellke, magulang ng biktima.

Ang nasabing bahay ay pag-aari ng isang Rodolfo Lindo.

Bago ang sunog, nagtalo umano ang mag-asawa hanggang sa umalis si Rachel at hindi nagtagal ay umalis din ng bahay si Renz, naiwan ang anak sa bahay.

Makaraan ang ilang minuto ay narinig na lamang ang pagsabog sa loob ng bahay ng mag-asawa kasunod ang pagliliyab nito na kumalat na rin sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Dakong alas-6:35 nang ideklarang fire-out ang sunog na umabot sa 4th alarm. Nang nagsa­gawa ng inspeksiyon ang mga pamatay-sunog, natag­puan ang katawan ng biktima sa ikatlong palapag ng bahay kung saan nakatira ang mag-asawa. Nakadapa ito habang nada­daganan ng mga nagbagsakang sunog na kahoy.

Sinasabing isang naiwanang nakasaksak na water heater ang sanhi ng sunog sa bahay ng mag-asawa subalit patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang mag-asawa sakaling mapatunayang kapabayaan nila ang dahilan ng sunog.

BAHAY

BARAS ST.

BONIFACIO CARTA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

MAYNILA

QUEZON BOULEVARD

RACHEL DELLKE

RAISSA DELLKE

SHY

SUNOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with