^

Metro

Kawani ng BIR huli sa panunutok ng baril

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Himas-rehas ngayon ang isa umanong empleyado ng Bu­reau of Internal Revenue (BIR) matapos na arestuhin ng mga awtoridad dahil sa rek­lamo ng panunutok ng baril ng dala­wang lalaki na nag-ugat sa simpleng away-trapiko sa lung­­sod Quezon, kama­kalawa.

Kinilala ang suspect na si Leandro Repasa, 46, ng Ar­quisa St., Ermita, Manila. Siya ay dinakip ng pulisya matapos magsumbong ang mga bikti­mang sina Ebner Jerome Es­tono, 23, nurse, at Mark An­thony Pineda, 22, estudyante na umano’y tinu­tukan ng baril ng una.

Nakuha kay Repasa ang isang kalibre .45 baril na may magazine na may lamang siyam na bala. Expired na rin ang lisensya ng nasabing baril kung kaya posibleng maharap ito sa kasong illegal pos­session of firearms.

Naganap ang insidente sa kahabaan ng Mapang-akit St., corner Mapagmahal St., Brgy. Pinyahan ganap na alas-8:10 ng gabi. Bago nito, sakay ng ka­nilang Ford Lynx (XFH-197) ang mga biktima habang hini­hintay ang iba pa nilang ka­samahan sa nasabing lugar nang dumating ang isang Honda Civic (WEW-860) na sakay si Repasa at isa pang lalaki. Diumano, mula rito ay bumaba ang kasamahan ni Repasa at inuutusan ang mga biktima na umalis at mag-maniobra para makadaan ang kanilang sasakyan.

Ilang sandali, lumabas na rin si Repasa na parang na­ka­tunog na nasa trouble ang kanyang kasama at bumaba ito ng kanilang sa­sak­yan saka nagbunot ng baril at pinag­tututukan ang mga biktima.

Sa takot ng mga biktima, nagdesisyon ang mga ito na magtungo sa himpilan ng pulisya para humingi ng sak­lolo. Agad namang rumes­ponde ang mga awtoridad at nadakip si Repasa at dinala sa nasabing himpilan.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa suspect.

EBNER JEROME ES

FORD LYNX

HONDA CIVIC

INTERNAL REVENUE

LEANDRO REPASA

MAPAGMAHAL ST.

MARK AN

REPASA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with