^

Metro

Driver todas sa pasaherong holdaper

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Mahigpit pang hawak sa kanyang isang kamay ang kinitang pera sa mag­damag na pamamasada nang matag­puang bang­kay ang isang taxi driver matapos na manlaban at pagsasaksakin ng dala­wang hinihinalang holda­per nitong pasahero sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Nakilala ang biktima sa pa­mamagitan ng kanyang mga kaanak na si Pablito Inocen­cio, 54, taxi driver, residente ng Purok 2 Bam­bang, Bula­can, Bulacan.                  

Lumilitaw sa pagsisiya­sat ni SPO1 Florencio Escobido, ng Crime Investigation and Detention Unit-Quezon City Police District, dakong alas-11 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima ha­bang duguang nakasubsob sa minamanehong Value Cab transport (PWU-533) na na­ka­parada sa madilim na bahagi ng Pantomina Mayor St., Lagro Sub­division, Brgy. Greater Lagro ng lungsod.

Nauna rito, ayon sa isang alyas Mark, residente sa lugar, nakita niya ang sa­sak­yan na pagewang-gewang habang tinatahak ang nasabing kal­sada.

Nang huminto ang taxi, nakita niya ang dalawang lalaking duguan ang pan­talon na bumaba mula rito at nag­ma­madaling tu­makbo papa­layo sa lugar.

Agad na pinuntahan ni Mark ang taxi kung saan nang buksan niya ito ay tumam­bad sa kanyang harapan ang naka­subsob na biktima sa loob na tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Agad na ipinagbigay-alam ni Mark ang nakita kay PO3 Nazareth Bal­donia na nata­ong napa­daan sa lugar at ma­bilis na rumesponde at hina­bol ang mga suspect ngunit mabilis ding naglaho sa ma­dilim na bahagi ng Domingo de Ramos St., sa nasabing lugar.

Ayon kay Escobido, posib­leng nanlaban ang biktima sa mga suspect habang kinu­kuha ang pera nito kung kaya napilitan siyang pagsasak­sakin ng mga ito.

Narekober din sa loob ng kotse ang isang dugu­ang pa­talim at pera na nagkaka­halaga ng P1,400.

vuukle comment

CRIME INVESTIGATION AND DETENTION UNIT-QUEZON CITY POLICE DISTRICT

FLORENCIO ESCOBIDO

GREATER LAGRO

LAGRO SUB

NAZARETH BAL

PABLITO INOCEN

PANTOMINA MAYOR ST.

RAMOS ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with