^

Metro

Rehabilitasyon sa Laguna Lake legal

-

MANILA, Philippines - Walang anomalya sa ginawang P18.7-billion Laguna Lake Rehabilitation Project dahil ito ay legal at naaayon sa batas. Ito ang paniniyak ng Baggerwerken Decloedt en Zoon (BDC) kasabay nang pagsasabing   walang katotohanan ang pahayag ni Laguna Congressman Dan Fernandez na ito ay “midnight deal”. Ayon kay Dimitry Dutilleux, area manager ng North Asia ng BDC, taong 2009   pa nang simulan nila ang kanilang pag-aaral sa freshwater lake at isa ito sa kanilang unsolicited proposal sa pamahalaan. Aniya nakuha nila ang proyekto ng legal at sumunod sa mga regulasyon. Ang pahayag ng BDC official ay bunsod na rin ng kahilingan ni Fernandez sa Malakanyang na imbestigahan ang naturang proyekto na pinirmahan umano ng nakaraang admi­nistrasyon. Sinabi pa ni Dutilleux na bukas ang BDC sa anumang imbestigasyon upang malaman kung anu-anong kompanya ang nananabotahe sa proyekto. Handa din silang huma­rap sa bagong administrasyon upang ipaliwanag ang naturang proyekto. Layunin ng Laguna Lake Rehabilitation Project na pag-ibayuhin ang kalidad ng tubig sa lawa dahil plano ng pamahalaan na gawing alternatibo itong pagkunan ng supply ng tubig sa Metro Manila. Ang BDC ay isa sa mga nangungunang dredging companies at matagal nang nagsasagawa ng   environmental dredging works sa iba’t ibang panig ng mundo.

ANIYA

AYON

BAGGERWERKEN DECLOEDT

DAN FERNANDEZ

DIMITRY DUTILLEUX

LAGUNA CONGRESSMAN

LAGUNA LAKE REHABILITATION PROJECT

METRO MANILA

NORTH ASIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with