^

Metro

Estudyante ni-rape, nabuntis ng textmate

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pormal na naghain ng kasong rape ang isang 22 -anyos na estudyante ng City College of Manila (CCM) nang mabuntis ito ng 22-anyos na textmate, sa Binondo, Maynila.

Sa reklamong idinulog ng biktimang itinago sa pangalang Chin-Chin, nabuntis siya dahil sa pamumuwersa umano sa kaniya ng suspect na ka-textmate na isang Isagani Domingo, 22, caretaker sa Laguna Sports Complex at residente ng San Pedro, Laguna .

Sa ulat ni C/ Insp Anita Araullo, hepe ng Manila Police District-Women and Children Concern Division (MPD-WCCD), noong Pebrero 19, 2010, dakong alas-8:30 ng gabi nang sapilitan umano siyang ipasok ng suspect sa isang hotel sa Escolta, Binondo, Maynila at doon naganap ang panggagahasa.

Ayon sa biktima, naging textmate niya ang suspect nang ibigay ng kaniyang kaibigan ang kanyang cell numbers sa suspect at nagsimula na umanong magpadala ng mga text sa kaniya at abangan siya sa pag-uwi sa eskwelahan.

Aniya, noong Pebrero 19, inakbayan siya at tinutukan ng pa­talim na nasa loob ng jacket ng suspect at sinabihan siyang huwag mag-ingay at sumunod lang sa gusto ng suspect. Nang nasa Escolta, Binondo ay pinilit siyang pumasok sa isang hotel dito kung saan naganap ang panggagahasa sa kanya. Matapos ang pangyayari ay inihatid siya sa isang lugar sa Sampaloc at iniwan malapit na sa kanyang bahay.

Hindi ipinagsabi ng biktima ang pangyayari upang itago ang kahihiyan subalit nang maramdamang lumolobo na ang tiyan ay nagtago siya sa kanyang pamilya, hanggang sa matagpuan siya ng kapatid dahil sa paglalayas niya.

vuukle comment

BINONDO

CITY COLLEGE OF MANILA

ESCOLTA

INSP ANITA ARAULLO

ISAGANI DOMINGO

LAGUNA SPORTS COMPLEX

MANILA POLICE DISTRICT-WOMEN AND CHILDREN CONCERN DIVISION

MAYNILA

PEBRERO

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with