^

Metro

Pulis todas sa misis din na pulis

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Malagim ang kinasapitan ng pagsasama bilang mag-asawa ng dalawang pulis makaraang mabaril at ma­patay ng 41-anyos na ginang ang mister nitong alagad din ng batas sa gitna ng kanilang pagtatalo, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.             

Binawian ng buhay sa loob ng Taguig-Pateros Hospital ang 41-anyos na si SPO1 Ronaldo Macabitas, nakata­laga sa Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame dahil sa tama ng bala buhat sa kalibre .45 sa kaliwang mata.             

Sumuko naman sa pulisya ang nakabaril na misis na si PO3 Elizabeth Macabitas, nakatalaga naman sa Health Service ng Camp Crame at nani­nirahan sa MB2B Unit 302 BCDA, Brgy. Ususan, Taguig.             

Sa imbestigasyon ng Ta­guig City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-asawang Ma­cabitas. 

Ayon sa anak ng mag-asawa, nagtatalo umano ang kanyang mga magulang nang makarinig ng isang putok ng baril sa loob ng kuwarto nito. Nang kanyang puntahan ay nakita na duguang nakabu­lagta ang ama habang ang kanyang ina ay may kausap sa telepono sa kanilang sala. Nauna nang ikinatwiran ni PO3 Macabitas na nag-agawan sila sa baril ng mister hanggang sa pumutok ito at tumama sa biktima subalit sa pagsisiyasat ng pulisya, ma­ayos at walang indikasyon na may nangyaring pag-aaga­wan sa kanilang kuwarto. 

Nananatiling tikom naman ang bibig ng suspek sa ugat ng kanilang pag-aaway ngunit may mga impormasyon na madalas magtalo ang dalawa dahil sa pagsusugal ng lalaki.

CAMP CRAME

CITY POLICE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

ELIZABETH MACABITAS

HEALTH SERVICE

RONALDO MACABITAS

SHY

TAGUIG CITY

TAGUIG-PATEROS HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with