Kelot patay sa sekyu

MANILA, Philippines - Patay ang isang 35-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng isang security guard sa gitna ng ka­nilang pagtatalo maka­raang paghinalaang mag­na­nakaw ang biktima, ka­hapon ng umaga sa Caloo­can City.

Tadtad ng tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Ariel Magdayao, ng C-3 Road, Dagat-Da­gatan, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ngayon ang suspect na si Romeo Escaran, guwardiya ng Malabon Longlife Corporation na nasa C-3 Road, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Caloocan police, naganap ang krimen dakong alas-7:30 ng umaga sa tapat ng naturang kumpanya. Naka­tambay umano dito ang biktima nang sitahin ni Escaran sa pag-aakalang magnanakaw ito.

Nakipagtalo naman ang biktima sa guwardiya na hu­mantong sa paghahamon. Dito na nagbunot ng baril si Escaran at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima bago mabilis na tumakas.

Nanawagan naman ang pulisya kay Escaran na kusang-loob na sumuko upang maipagtanggol ang sarili at hindi na lumaki ang kaso nito.

Show comments