^

Metro

Konsehal na nagbaklas ng inidoro, lababo, kakasuhan

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Posibleng makasuhan ang mga konsehal na mapapa­tuna­yang nagbaklas ng mga gamit sa kanilang iniwang opisina matapos na matalo sa nakaraang eleksiyon.

Ito naman ang binigyan diin ni Majority floor leader at Manila 4th District Councilor Honey Lacuna kung saan sinabi nito na kailangan munang siyasatin kung sinu-sinong mga konsehal ang gumawa ng sapilitang pagbabaklas ng mga permanent fixture sa kanilang mga dating opisina.

Batay sa batas, ipinagbabawal ang pagtatanggal ng anumang permanent fixture.

Aniya, kailangan na may magreklamo upang may basehan sa isasagawang pagsisiyasat.

Ayon naman sa isang source sa city council, hindi na­man makakakuha ng clearance ang mga konsehal na tumangay at nagbaklas ng mga permanent fixtures.

Bukod dito, sakaling mapatunayan ang kanilang pagka­kasala hindi ibibigay ang kanilang terminal leave, huling sahod at allowance.

Matatandaan na nadismaya si Manila 3rd District Councilor Bernardito Ang nang makitang walang toilet bowl, lababo, pinto ng banyo at kisame ang kanyang opisina na Rm 461 at opisina ni dating konsehal Ivy Varona.

ANIYA

AYON

BATAY

BUKOD

DISTRICT COUNCILOR BERNARDITO ANG

DISTRICT COUNCILOR HONEY LACUNA

IVY VARONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with