^

Metro

Iniwan ng nobya: Lalaki lumaklak ng silver cleaner, dedo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Makaraan hiwalayan ng kanyang nobya, winakasan naman ng isang 17-anyos na lalaki ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner ka­makalawa ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Luigi Quimintan, helper ng beautry parlor at residente ng no. 3301 2nd St. V. Mapa, Sta. Mesa, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Jay Santos ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:30 ng gabi nang matuk­lasan na wala ng buhay ang biktima, sa mezzanine ng nasabing address na nagsi­silbing silid ng biktima.

Nabatid na nadiskubre ng isang JP Escarcha, kaibi­gan ng biktima ang bangkay ng huli nang walang su­ma­sagot sa parlor hang­gang sa sapili­tan niyang buksan ang pinto.

Dito na tumambad kay Escarcha ang bangkay ng biktima habang nasa tabi nito ang bote ng silver cleaner. Nabatid na naging matamlay ang biktima nitong mga na­karaang araw.

Isang cellphone ang na­kuha mula sa biktima kung saan napag-alaman naka­pag-text pa ito sa kanyang kasintahan ng “mahal na mahal kita”.

Inilagak ang bangkay sa Arcangel Fu­neral Homes.

vuukle comment

ARCANGEL FU

BIKTIMA

ESCARCHA

JAY SANTOS

LUIGI QUIMINTAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NABATID

SHY

ST. V

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with