Mister ipinapatay ng Misis?

MANILA, Philippines - Namatay ang isang 68-anyos na dating overseas Filipino worker nang ipa-ambush umano ng kani­yang misis sa tatlong lalaki na binayaran di­umano ng halagang P30,000, ka­makalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Ang biktimang si Lo­ren­zo Mendoza, ng San Bartolome, Novaliches, Quezon City ay isinugod pa sa United Doctor’s Me­­dical Center (UDMC) su­balit nabigo siyang ma­isal­ba ng mga doktor bun­sod ng tama ng bala sa ulo.

Nang madakip na­man habang tumatakas ang dalawa sa tatlong suspect na sina Manuel Gorospe, 39, ng Kundi­man st., Sam­paloc at Ro­berto Yap, 48, ng Simoun st., Sam­paloc, ikinanta nila ang im­por­mas­yong nagsa­sang­kot sa may­ba­hay umano ng bik­tima na nagbayad ng P30,000 upang ipapatay si Men­doza.

Nakatakas naman ang isa pang suspect sakay ng get-away car nang habulin ng mga rumespondeng tauhan ng Manila Police District-station 4.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Rommel del Rosa­rio ng MPD-Homicide Section, dakong alas-4:30 ng hapon, Huwe­bes nang maganap ang insidente sa may panu­lu­kan ng Blumentritt st. at Espana Blvd., Sam­paloc.

Habang naglalakad umano ang biktima para ibili ng gamot ang asa­wang si “Clarita” ay big­lang nilapitan at pinag­babaril ng isa sa 3 suspect.

Una umanong naku­hang motibo ay hinol­dap lamang subalit sa isang programa sa telebisyon, nagsalita sa interview si Roberto Yap na bina­yaran lamang sila upang ipapatay ang biktima at mismong misis umano ng biktima ang nag-utos.

“Narinig ko si Boyet (Yap) na ginawa lang niya ito para sa kaibigan. Si­nunod lang daw niya ang kaibigan niya,” ani Rey­naldo Men­doza, na­ka­babatang kapatid ng bik­tima.

Tinutugis na ang ikat­long suspect habang nag­sa­sagawa ng imbes­tigas­yon sa kaso.

Aalamin din ng mga imbestigador kung totoo ang sinasabi ng isa sa suspect na binayaran sila ng misis ng biktima para patayin ito.

Ipinatatawag din ng MPD-Homicide Section ang sinasabing misis ng biktima na diumano’y nasa likod ng pagpa­papatay.

Ihahain naman ang kasong murder laban sa mga suspect sa Manila Prosecutor’s Office.

Show comments