^

Metro

Trader utas sa kapitbahay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Tatlong tama ng bala ang tinamo ng  isang 48-anyos na negosyante na ikinasawi nito dahil sa  iringan sa pagitan ng kapitbahay na nagalit umano sa obstruction na nilikha ng nire-renovate na bahay ng una, kamakalawa ng hapon, sa Tondo, Maynila.

Idineklarang patay alas-7:25 ng gabi, sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Roberto Co, residente ng Pilapil St., Tondo, Maynila.

Ginagamot din sa Metropolitan Medical Center nang tamaan ng bala sa ibaba ng dibdib ang suspect na si Nicholas Marcelino, 64, resi­dente rin sa naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:30 ng hapon ng ma­ganap ang insidente sa harap ng bahay ni Co.

Nakikipag-usap umano si Co sa kanyang anak na si Kyle habang sakay ng kani­yang motor­siklo nang dumaan si Marcelino na noon ay galit na dahil umano sa abala sa daan ang mga gamit sa gina­ga­wang bahay ni Co.

Dahil matagal na uma­nong may alitan ang dalawa, naging mainit si Marcelino habang nagsasalita umano si Co na pag-usapan na lamang ang ikinagagalit nito.

Sa halip na magkaayos, bumunot ng kalibre .38 baril si Marcelino at binaril si Co at nang bumagsak ay malapitan pang pinapu­tukan ng dala­wang ulit sa katawan.

Kahit bagsak na sa tama ng mga bala, ina­gaw umano ni Co ang baril ni Marcelino at pinu­tukan siya sa kanang bahagi, sa ibaba ng dibdib.

Bantay-sarado naman ng mga tauhan ng MPD-Station 2 si Marcelino na ginagamot sa Metropolitan Medical Center­, na nakatakdang sam­ pa­han ng kaukulang kaso.

DAHIL

GINAGAMOT

MARCELINO

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

METROPOLITAN MEDICAL CENTER

NICHOLAS MARCELINO

PILAPIL ST.

ROBERTO CO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with